What to expect when you’re expecting..
March 2nd, 2010
Ganito pala ung feeling. Alam mo un binibilang mo ung araw parang mas lalong tumatagal. Excited na talaga ako. The real essence of being a woman – having a baby!
Kinakabahan na rin ako. I dont know what to expect. Masakit ba? Mahirap? Kasi ung mga napapanood ko sa movie feeling ko exaggerated eh. Pero malay natin ganon pala talaga un. Haay! Matagal pa ba? Lagi ko nga kinakausap si Baby ko eh lalo na pg sumisipa at sumusuntok. Hehe! Sobrang likot kasi. Ganon daw talaga kapag Baby Boy. My precious Baby Andrei Ciazar.
Pano nga ba naging ganon ang name ni Baby?
Kasi hindi pa man me preggy, nagpaplanona kami ng hubby ko (boyfriend ko palang sya nun) ng kung ilang baby ba gusto namin and ano ang names. Actually we started off with a baby Girl. Yun kasi ang gusto ko, para malambing and eventually madali utusan paglaki (hehehe!) Then nagkaroon kami ng pet, binigay nya saken si ANDRES, male half-breed white fur dog. Super lambing nun. Naging Andres ang name kasi UNDER-DE-SAYA daw si hubby ko sabi nya. Kaya ayun naging lokohan lang na “naku pag mag-asawa na tayo malamang under na under ako, ngayon palang eh, kaw na ang leader.” Hehehe! Anong magagawa ko eh nag-papa-under naman sya sa powers ko. Then ayun na nga, nung napagusapan namin about baby names, nabuo ang ANDREI, root word ng UNDER-DE-SAYA. Hehehe!
Pero I’ve searched for meaning of Andrei, eto nga- The Russian name Andrei means - “brave.”
The name Andrei means - A form of the name Andrew, which means “strong” or “manly.”
Then yung Ciazar, wala gusto ko lang kasi ngreresearch ako nun ng baby names, katuwaan nga lang namin pero eto kinarir ko ang paghahanap. Super search ako sa internet. Wala namang lumabas na CIAZAR kahit search mo pa ngayon. The Latin name Caesar means - long-haired. History: a title for Roman emperors. Medyo hawig sa Ciazar kaya ayun medyo niramble ramble ko lang.
All in all ang meaning ng Andrei Ciazar is Brave Long-haired emperor. Grabe boy na boy ha. Ewan ko nalang kung maging berde ang dugo nya balang araw. Wag naman sana. Hehe!
Planado naman si baby nung binuo namin eh. I mean we really intended to have a baby by 2010. After we knew that our company’s closing by third quarter of 2009, ayun, blood rush. Medyo kinabahan na kami ni Bok (nickname ng hubby ko) kasi nga pano na kami? Four years na kaming sanay na magkasama everyday. Natakot kami sa mga possibilities, oo mawawalan na kami ng work and yet ang pinoproblema namin eh baka magkahiwalay kami ng trabaho. Hindi naman lahat ng aapplyan namin eh pareho kami matatanggap diba. Medyo devastated kami that time lalo pa yung pressure na we were both breadwinners in our family. Kumbaga hindi pwedeng mabakante. Oh Lord. Ang hirap ung time na un. Pero unti unti namin narerealize it’s not the end of the world diba. And competent naman kami para makahanap ng new job. So ayun nagrelax na kami. Pero sinasamantala namin un time na masolo namin ang isa’t isa. Then biglang pumasok sa eksena ang Wedding Bells. Nagpropose sya without a ring. Alam mo un out of the blue. Hahaha. Kasi natatakot daw sya na mawala ako sa buhay nya lalo kapag hindi na kami magkasama sa work baka makahanap daw ako ng iba. Eh ang ganda ko naman kung ganon. Pero likewise un din naman napifeel ko. What if sya naman makahanap ng iba diba. Kaya ayun nag-usap kami heart to heart ng mga pros and cons ng gagawin naming BIG STEP. Pero bahala na mahal na mahal ko yung mokong na yun eh. Tapo sa bugso ng damdamin, nangyari na nga ang sweetest thing in the world. We owned the whole night snuggling each other. Sarap grabe, ganon pala talaga kapag mahal mo ung tao. Wala ka ng iniisp kung mali ba o tama ang ginawa mo. Basta ineenjoy mo lang yung moment na magkasama kayo. Ang saya super. So after a month, July 3, 2009 to be exact nakakaramdam na ko na parang kakaiba to think na one month palang yun after nung ‘sweetest thing happened’. Sowhy worry diba? Pero eto praning na praning ako. Kahit sya natatawa saken, ganon daw talaga kapag nagiguilty. Eh irregular pa naman ang period ko. Then naisipan namin mg PT. Grabe nanginginig ang kamay ko habang ginagawa un. Pagtingin ko sa PT, ang linaw TWO LINES. Jozko diba positive un? I called him up without wasting even a second. Umiiyak ako hindi ko alam kung bakit. Pero wala ako naramdaman na takot. Nung sinabi ko nga sa kanya, ang saya ng lolo mo. Grabe sa wakas daw talagang mag-asawa na kami. Naku pano yan kung kelan mawawalan na tayo ng work. Sabi nya ‘Kaya yan basta magkasama tayo’. Oo typical line yan sa mga pelikula pero iba pala kapag siya na mismo ang nagsabi. Ang sarap parang You and Me against the World diba. Astig! Kaya ayun relax lang kami. Then July 13 when we decided to undergo a real ultrasound just to make sure diba. Ayun nga super positive. Six weeks na si baby sa tummy ko. Ang bilis ha! Iba pala ang kamandag ng hubby ko, parang nag tongkat ali. Hehehe!
So ayun na nga, tanggap naman ng both families namin kasi ang tagal na namin and hindi naman kami nagkulang sa pagtulong at pagmamahal sa pamilya namin kaya madaling nasettle ang lahat. Walang kumontra. Ayun na nga ang sinasabing destiny.
Now, im on my 40th week of pregnancy. Pwede ba ko magdeliver anytime. Mature na si baby. Kakaexcite! Lalo naman ang daddy nya. Laging kinakausap si baby. Sobrang mahal nya ang anak namin. Kapag kinakausap at hinahalikan nya ang tummy ko grabe natutunaw ang puso ko. Nakaktouch. Ramdam na ramdam ko na family na kami. Lalo na kapag lumabas si baby naku baka maya’t maya nya kurutin. Ang dami na nga nya plans for baby eh. Tuturuan daw nya magbasketball. Niloloko ko nga sabi ko dapat singer si baby kasi singer ako. Naku ayaw pumayag baka maging bading daw si baby. Hehehe!
Baby isa lang ang wish ko, sana maging masunurin and God-fearing ka baby. I would teach you all the good deeds. Walang nega.
Kung alam mo lang baby kung gaano ka namin kamahal ng daddy mo. Kelan ka kaya lalabas?Gustong gusto ka na namin makasama. Haay baby, paglabas mo, magpapafiesta kami!
And now we will be a happy family! Weee!!!






























